Ang Larong Pinoy ay bahagi na ng ating kultura .Sa gitana ng modernisasyon unti-unti na itong hindi nakikilala ng mga kabataan,kaya naman aking ipapakilala ang masasayang laro sa bagong kabataan,upang manatiling buhay ang kultura ng Pilipino.
Patintero Ito ay isang larong Pinoy na kung saan may dalawang grupong nagtutunggali.Sa bawat grupo ay may 3 o higit pang manlalaro.Ang layunin ng manlalaro ay makatawid at makabalik sa mga nakabantay na kalaban na hindi natataya,nahahawakan o naaabot.
Tumbang Preso
Ito ay laro na ginagamitan ng tsinelas at lata na pinitpit.Ang taya(isang tao) ay nakabantay sa lata, habang ang hindi taya ay titirahin ang lata sa pamamagitan ng tsinelas.Ang nahagis mong tsinelas ay kailangan mong makuha malapit sa lata ng hindi ka natataya o nahuhuli ng taya.
Luksong Tinik
Ito ay isa sa popular na larong Pilipino .Ito ay nilalaro na may dalawang koponanan na may parehas na bilang ng myembro.Dalawang manlalaro ang magkakaharap at pagduruktungin ang kanilang talampakang , ito na rin ang magsisilbing tinataag na "tinik".Magsisipagtalon ang mga myembro ng kabilang koponan sa "tinik",hanggang makatalon ang huling kasapi at kung sakaling walang tumama sa "tinik" daragdagan ang tinik ng mga kamay hanggang tumaas ang tinik.
Piko
Ang Piko ay isang popular na larong pambata sa Pilipinas.Karaniwang itong nilalaro ng batang babae at minsan naman ang mga batang lalake.Nilalaro ang Piko.sa labas karaniwan sa daan.Kailangan ng mga manlalaro na pumili ng pamato , ito ay maaring maging isang piraso ng bato o isang piraso ng basag na pinggan.Sa hugis ay dapat mayroong mga guhit na naghihiwalay sa iba ito ay maaring mga hugis kahon o parisukat. Ang mga parisukat na ito ay lalagyan ng mga numero para malaman kung alin sa mga ito ang pagkasunod-sunod na siyang tatalunan ng mga manlalaro.
Sipa
Nillaro ito ng may tatlong myembro. Yari sa rattan at halos kasing laki ng bola ng baseball ang ginagamit sa larong ito at kung minsan naman ay Isang tanso na may nakalagay na taling tinastas. Pareho din ng sa volleyball ang paraang ginagamit na scoring dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento